遇见数据集

/Kalagayan, Sanhi, at Epekto ng Krimen sa Lalawigan ng Cavite: Isang Pagsusuri Batay sa Opisyal na Datos 2023-2025

收藏
Zenodo2026-07-09 更新2026-08-13 收录
官方服务:

资源简介:

ABSTRAK: Sa kasalukuyang panahon, kung saan patuloy ang mabilis na pag-unlad at pagdami ng populasyon, ang Lalawigan ng Cavite ay nananatiling isa sa mga pangunahing sentro ng kalakalan at tirahan sa Rehiyon ng Calabarzon, ngunit kasabay nito ay humaharap din sa mga hamon sa kaayusan at kaligtasan. Ang pananaliksik na ito ay nagsuri sa kalagayan, mga sanhi, at epekto ng krimen sa lalawigan gamit ang opisyal na talaan mula sa CPPO at iba pang ahensya para sa taong 2023 hanggang 2025. Lumabas sa pagsusuri na ang mga krimen laban sa ari-arian ang pinakamadalas na naitala, sinundan ng mga labag sa batas at krimen laban sa tao, kung saan ang mga lungsod na may masiglang ekonomiya at mataas na densidad ng tao ay may pinakamaraming naiuulat na kaso. Natuklasan ding may malaking kaugnayan ang antas ng kabuhayan, bilis ng paglilipat ng mga tao, at mga limitasyon sa kasalukuyang paraan ng pagtatala sa dami ng krimen na lumalabas sa ulat. Iminumungkahi ng pag-aaral ang mas pinagsamahan at napapanahong sistema ng pagtugon, pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng pamayanan at kapulisan, at wastong paglalaan ng kagamitan at tauhan upang masiguro ang mas mabisang pagpapanatili ng kapayapaan sa buong lalawigan sa kasalukuyan at sa hinaharap. Batay sa datos, umabot sa 12,872 ang naitalang krimen sa loob ng tatlong taon, kung saan 44% ay krimen laban sa ari-arian, 31% ay krimen laban sa tao, at 25% ay paglabag sa espesyal na batas. Ang mga lungsod ng Dasmariñas, Bacoor, GenTri, at Imus ang may pinakamaraming naitalang kaso, na naaayon sa kanilang mataas na densidad ng populasyon at antas ng komersyo. Natuklasan din na ang pagkakaiba-iba sa sistema ng pagtatala, kakulangan sa sapat na ebidensya, at pagkakaiba ng pamamaraan sa bawat bayan ay naglilimita sa ganap na pagsukat ng tunay na lawak ng krimen. Lumalabas na ang mabilis na paglago ng populasyon, kakulangan sa trabaho, at hindi pantay na pamamahagi ng mga serbisyo ay may malaking kaugnayan sa pagtaas ng antas ng krimen. Iminumungkahi sa pag-aaral na pagtibayin ang pagtutulungan ng pulisya at pamayanan, pagpapatupad ng mas pantay na sistema ng pagtatala, at paglalaan ng sapat na pondo at tauhan upang mapabuti ang seguridad at katarungan sa buong lalawigan.

提供机构:
Zenodo
创建时间:
2026-07-09
二维码
社区交流群
二维码
科研交流群
商业服务