PENOMENOLOHIKAL NA PAGSUSURI SA PAGKATUTO NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-AARAL NA NABIBILANG SA GEN Z
收藏NIAID Data Ecosystem2026-05-02 收录
下载链接:
https://zenodo.org/record/14801413
下载链接
链接失效反馈官方服务:
资源简介:
Ang pag-aaral na ito ay isang penomenolohikal na pagsusuri ng mga karanasan ng mga mag-aaral na kabilang sa henerasyon ng Gen Z hinggil sa kanilang pagkatuto ng Wikang Filipino. Layunin ng pananaliksik na ito na tuklasin ang mga hamon at estratehiya ng mga mag-aaral sa pagtutok at pagpapalawak ng kanilang kasanayan sa Filipino, pati na rin ang papel ng teknolohiya at sosyo-kultural na kapaligiran sa kanilang proseso ng pagkatuto. Sa pamamagitan ng malalimang pag-interbyu at pagsusuri, napag-alaman na
ang kakulangan sa eksposyur sa wikang Filipino, kahirapan sa pag-unawa ng malalalim na termino, at ang mas mataas na pamilyaridad sa Ingles ang ilan sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral.
Kabilang sa mga estratehiya na ginagamit ng mga mag-aaral upang mapabuti ang kanilang pagkatuto ang aktibong pakikilahok sa mga talakayan, pagsasanay sa pagbasa at pagsulat ng Filipino, at paggamit ng mga teknolohikal na kagamitan tulad ng mobile applications at social media. Ipinakita rin ng pag-aaral na ang suporta mula sa pamilya at guro, pati na rin ang mga kultural na gawain tulad ng panonood ng Filipino content at pagsali sa mga aktibidad na may kaugnayan sa wika, ay mahalaga sa pagpapalago ng kaalaman sa Filipino. Ang mga mag-aaral ay nakikinabang mula sa mga interaktibong paraan ng pagkatuto na tumututok sa mga personal na karanasan at interes.
Sa teoretikal na aspekto, ang pag-aaral ay nagpapakita ng kahalagahan ng koneksyon ng teknolohiya, sosyo-kultural na kapaligiran at ang aktibong papel ng mga guro at pamilya sa pagpapalaganap ng wikang Filipino bilang isang makulay at buhay na wika. Ipinakita rito ang pagbuo ng teoryang nabuo na tinawag na BD Balmonte Tushiya na kinapalooban ng Dulog Sosyo-Konstruktibismo, na nagmumungkahi na ang pagkatuto ay mas epektibo kapag ang mga mag-aaral ay may aktibong interaksyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral at guro, gamit ang wika at teknolohiya sa tunay na konteksto. Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay may potensyal na magbigay ng konkretong hakbang sa pagpapabuti ng mga estratehiya sa pagtuturo ng Filipino at pagpapalawak ng mga kasanayan ng kabataan sa makabagong panahon.
创建时间:
2025-02-04



