PENOMENOLOHIKAL NA PAGSUSURI SA PAGKATUTO NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-AARAL NA NABIBILANG SA GEN Z
收藏资源简介:
Ang pag-aaral na ito ay isang penomenolohikal na pagsusuri ng mga karanasan ng mga mag-aaral na kabilang sa henerasyon ng Gen Z hinggil sa kanilang pagkatuto ng Wikang Filipino. Layunin ng pananaliksik na ito na tuklasin ang mga hamon at estratehiya ng mga mag-aaral sa pagtutok at pagpapalawak ng kanilang kasanayan sa Filipino, pati na rin ang papel ng teknolohiya at sosyo-kultural na kapaligiran sa kanilang proseso ng pagkatuto. Sa pamamagitan ng malalimang pag-interbyu at pagsusuri, napag-alaman na ang kakulangan sa eksposyur sa wikang Filipino, kahirapan sa pag-unawa ng malalalim na termino, at ang mas mataas na pamilyaridad sa Ingles ang ilan sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng mga mag-aaral. Kabilang sa mga estratehiya na ginagamit ng mga mag-aaral upang mapabuti ang kanilang pagkatuto ang aktibong pakikilahok sa mga talakayan, pagsasanay sa pagbasa at pagsulat ng Filipino, at paggamit ng mga teknolohikal na kagamitan tulad ng mobile applications at social media. Ipinakita rin ng pag-aaral na ang suporta mula sa pamilya at guro, pati na rin ang mga kultural na gawain tulad ng panonood ng Filipino content at pagsali sa mga aktibidad na may kaugnayan sa wika, ay mahalaga sa pagpapalago ng kaalaman sa Filipino. Ang mga mag-aaral ay nakikinabang mula sa mga interaktibong paraan ng pagkatuto na tumututok sa mga personal na karanasan at interes. Sa teoretikal na aspekto, ang pag-aaral ay nagpapakita ng kahalagahan ng koneksyon ng teknolohiya, sosyo-kultural na kapaligiran at ang aktibong papel ng mga guro at pamilya sa pagpapalaganap ng wikang Filipino bilang isang makulay at buhay na wika. Ipinakita rito ang pagbuo ng teoryang nabuo na tinawag na BD Balmonte Tushiya na kinapalooban ng Dulog Sosyo-Konstruktibismo, na nagmumungkahi na ang pagkatuto ay mas epektibo kapag ang mga mag-aaral ay may aktibong interaksyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral at guro, gamit ang wika at teknolohiya sa tunay na konteksto. Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay may potensyal na magbigay ng konkretong hakbang sa pagpapabuti ng mga estratehiya sa pagtuturo ng Filipino at pagpapalawak ng mga kasanayan ng kabataan sa makabagong panahon.
本研究为现象学研究,旨在探究Z世代(Gen Z)学生学习菲律宾语(Wikang Filipino)的体验。本研究的目标在于揭示学生在精进菲律宾语语言技能过程中面临的挑战与应对策略,同时剖析技术与社会文化环境在其学习进程中所发挥的作用。通过深度访谈与分析,研究发现学生所面临的核心挑战包括:菲律宾语接触不足、难以理解复杂术语,以及对英语的熟悉程度更高。 学生为优化自身学习效果所采用的策略包括:积极参与语言讨论、开展菲律宾语读写训练,以及使用移动应用程序(mobile applications)与社交媒体(social media)等技术工具。研究同时表明,来自家庭与教师的支持,以及诸如观看菲律宾语内容、参与语言相关活动等文化实践,对学生菲律宾语知识的积累至关重要。学生可从聚焦个人体验与兴趣的互动式学习模式中获得显著收益。 从理论维度来看,本研究彰显了技术与社会文化环境的联动价值,以及教师与家庭在推广菲律宾语作为一门鲜活且富有生命力的语言过程中的积极作用。本研究构建了名为BD Balmonte Tushiya的理论框架,该框架融入了社会建构主义(Dulog Sosyo-Konstruktibismo)理念,提出当学生能够在真实语境中借助语言与技术与同伴及教师开展积极互动时,学习将更具成效。本研究的发现可为改进菲律宾语教学策略、提升当代青年语言技能提供切实可行的实施路径。



